Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Nobyembre 28, na 73.42% o 895 sa 1,219 examinees ang pumasa sa November 2023 Nutritionist Dietitian Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Genesis Orsal Rivera mula sa Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa matapos siyang makakuha ng 92.60% score.

Hinirang naman ang Central Mindanao University, University of the Philippines – Los Baños, at  University of the Philippines – Diliman bilang mga top performing school matapos umanong makakuha ang mga ito ng 100% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Nobyembre 23 hanggang 24, 2023 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Davao, Legazpi, Lucena, Rosales, at Zamboanga.
National

VP Sara, may listahan daw ng ‘5 impeachable offenses’ ni PBBM