Inulan ng kritisismo mula sa mga netizen ang isang viral video ng isang fast-food chain service crew na nagbabahay-bahay, nangangatok, at nag-aalok na umorder sa mga customer sa labas, at ang delivery ay charge pa sa kanilang pamasahe.
Inupload ng isang babaeng customer na naalok ng service crew ang video ng pag-uusap nila nito, at dito nga ay nahabag ang uploader sa sinabi sa kaniya ng service crew na siya na rin mismo ang magde-deliver ng bibilhin nitong haluhalo, kahit gumastos ng sariling pamasahe.
Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang Chowking kaugnay nito.
Ipinangako ng pamunuan na pinag-aaralan na nila ang nangyari, at nagbigay ng assurance sa publiko na sumusunod pa rin sila sa ethical standards ng pagtatrabaho at pagtrato sa kanilang mga empleyado.