Natanggap na ng mahigit 41,000 na indigent senior citizens ng Antique ang kanilang taunang social pension para sa 2023, ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Lunes, Nobyembre 27.
“The DSWD has disbursed and completed the release of the first and second semester pension to some 41,927 indigent senior citizens in the province,” pahayag ni DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez.
“Our DSWD Field Office-6 (Western Visayas) was able to complete the first semester payout in April and the second semester payout last October. The Social Pension for Indigent Senior Citizens would be of great help to further assist the elderly persons for their daily subsistence and other medical needs,” aniya.
Dagdag pa ni Lopez, ang indigent senior citizens umano ay may karapatang makatanggap ng ₱500 kada buwan o ₱6000 kada taon.
Nabigyan din ng ₱100,000 ang 29 senior citizens sa Antique na ang edad ay umabot na sa 100 taon.
Ang programang ito ay bahagi ng Centenarian Program na alinsunod sa mandato ng “Republic Act No. 10868” o kilala ring “Centenarians Act of 2016”
Layunin nitong bigyan ng cash incentives at letter of felicitation ang mga Pilipinong senior citizen na umedad ng isang siglo—nasa loob o labas man ng bansa.