Nag-post ng kaniyang mensahe ang aktres at "Abot Kamay na Pangarap" star na si Carmina Villaroel para sa kaniyang kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa kaniyang X post noong Nobyembre 25 ng hapon, mababasa ang kaniyang mensahe sa dalawa na nakalagay sa isang art card na may larawan ng former South African leader na si Nelson Mandela.

"Dear Mavy and Cassy," ani Carmina.

"People can destroy your image, damage your personality, create rumours about you but they can never take away your good deeds."

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

"Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best."

https://twitter.com/minavillarroel/status/1728330633997664660

Sa isa pang X post, ibinahagi naman ni Mina ang isang art card na may mababasang "Mom knows best."

https://twitter.com/minavillarroel/status/1728611128169935327

Matatandaang usap-usapang tila hiwalay na rin daw ang mag-jowang sina Mavy at Kapuso star Kyline Alcantara, batay naman sa cryptic posts ng huli.

Wala pang tugon, pahayag, o kumpirmasyon ang dalawang kampo kaugnay nito.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin