Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari umano ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:24 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 113 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Malacañang, ‘no comment’ sa mga tirada ni VP Sara kay PBBM

Intensity II - Ternate, and Carmona, CAVITE; City of Calapan, at Puerto Galera, ORIENTAL MINDORO

Intensity I - Sta. Teresita, Batangas City, at San Luis, BATANGAS; Magallanes, at City of Tagaytay, CAVITE; Abra De Ilog, at Mamburao, OCCIDENTAL MINDORO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.