Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa 5.1 ang magnitude ng lindol sa probinsya ng Occidental Mindoro nitong Linggo, Nobyembre 26.

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:24 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 17 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro, na may lalim na 112 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa Abra De Ilog, Occidental Mindoro at Mabini, Batangas.

Occidental Mindoro, niyanig ng 4.4-magnitude na lindol

Samantala, naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Ternate, at Carmona, Cavite; City of Calapan, at Puerto Galera, Oriental Mindoro

Intensity I - Sta. Teresita, Batangas City, at San Luis, Batangas; Magallanes, at City of Tagaytay, Cavite; Abra De Ilog, at Mamburao, Occidental Mindoro

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi naman umano inaasahan magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Naunang itinaas ng Phivolcs ang naturang lindol sa magnitude 4.4.