Nagpahayag ng kaniyang cryptic post ang komedyante at online seller na si Kiray Celis sa kaniyang social media platforms patungkol sa mga kaibigan.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Kiray subalit tungkol ito sa mga kaibigang sa halip na magbigay ng suporta ay makikipagtunggalian pa.

Aniya, "Doon tayo sa mga kaibigan na hindi tayo kinukumpetensya. Yung hindi kalaban yung tingin sayo. Yung kapag umangat ka, totoong masaya at susuporta sayo. ?."

https://twitter.com/kiraycelis/status/1728080650215846212

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

"Yes, you got it right!"

"Ako, depende sa competition. Dapat healthy competition pa rin."

"Malalaman mo tunay na kaibigan. Sila 'yong masaya sa kasiyahan mo at aalalay sa iyo kapag down ka."

"Once you feel that way, leave and let go. Not worth the time and friendship."