Inireklamo ng mamamahayag at dating "Pinoy Big Brother" (PBB) celebrity housemate na si Gretchen Malalad ang kaniyang kasambahay matapos umano nitong tangkaing lasunin ang kaniyang mga alagang pusa, na karamihan ay rescued stray cats.

Idinetalye ni Gretchen sa kaniyang Facebook post kung paano nahagip ng CCTV ang ginawa ng kaniyang kasambahay, matapos nitong tangkaing painumin ng muriatic acid ang mga pusa at ihalo sa mga tubig nito.

Agad daw na inireklamo ni Gretchen ang kasambahay sa barangay nila sa Tondo, Maynila. Nagkaroon na sila ng first hearing tungko dito. Inamin naman daw ng kasambahay ang kaniyang ginawa at nakalulungkot daw na wala itong remorse o pagsisisi.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Pinapalabas pa umano ng kasambahay na siya ang masama at abusadong amo.

Kaya naman, balak umano niyang sampahan ng kaso ang nabanggit na kasambahay. Ibinalandra niya ang larawan at social media accounts nito upang magbigay-babala sa publiko.

Nanawagan si Gretchen sa iba pang cat lovers na tulungan siya upang matuloy ang paggulong ng kaso laban sa kasambahay. Hindi raw niya ginawa ang video upang siraan ito kundi upang magkaroon ng awareness ang publiko, lalo na sa mga employer na baka makuhang kasambahay ang babae.

Kung kaya raw nitong manlason ng mga pusa ay baka worst, kaya rin nitong manlason ng tao.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng kasambahay tungkol dito.