Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari umano ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:11 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 385 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 319 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.