"Basic lang 'to!"

Kinaaliwan ng mga netizen ang Facebook post ni Engr. Daniel James Molina matapos niyang ibahagi ang screenshot ng kumbersasyon nila ni Engr. Godfrey Queron Correa ng Palawan State University sa Puerto Princesa, Palawan, na siyang Top 1 sa Novembre 2023 Civil Engineers Licensure Examination, na nakakuha ng rating na 93.60.

Batay sa usapan nila sa screenshot, nag-aalangan si Godfrey sa kaniyang performance sa aktuwal na pagkuha ng pagsusulit.

Bukod dito, may mali raw siyang na-shade sa isa sa test items.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ngunit nang lumabas na ang resulta, si Godfrey ang nanguna sa lahat ng kumuha ng board exam.

Sa kaniyang Facebook post naman ay nagpasalamat si Godfrey sa mga taong nakatulong sa kaniyang journey, magmula sa pag-aaral hanggang sa pagrereview.

Bukod sa pagiging topnotcher, Magna Cum Laude rin si Godfrey.

"Dream Big, Pray Big, Believe Big," pag-quote ng bagong engineer sa bible verse na Ephesians 3:20.

"Ganito ka powerful si Lord! Dati top 10 lang pinapangarap ko pero sobra-sobra yong binigay mo sa akin Lord, thank you Lord. Kahit na puyat madalas at ilang beses kami nagkasakit dito sa Manila, hindi Mo kami pinabayaan."

Congratulations, Engr. Godfrey!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!