Kinuwestiyon ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang “timing” umano ng paghahain sa Kamara ng resolusyong nag-uudyok sa pamahalaan ng bansa na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“The timing is very questionable. Kung kailan mayroong gusot between the HOR (House of Representatives) and the Dutertes, bakit lumabas itong mga resolution na ito?” giit ni Dela Rosa sa isang panayam ng Radio DZBB nitong Linggo, Nobyembre 26.

Ayon pa sa senador, marami umano siyang naririnig na mga nagtatanong kung ginagamit lamang daw ba ang ICC upang “patahimikin” ang mga Duterte.

“Ang taumbayan nagtatanong: are they weaponizing the ICC in order to silence the Dutertes? Ganun ang magiging tanong ng taumbayan diyan,” ani Dela Rosa.

₱650-M confidential funds ng OVP, DepEd ililipat sa security agencies – House leader

“Are they using the ICC to silence the Dutertes? Marami akong naririnig na ganun ha and I’m just re-echoing what we have heard. It’s not coming from me. It’s coming from the people,” giit pa niya.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang tensyon umano sa pagitan ng anak ni dating Pangulong Duterte na si Vice President Sara Duterte at ni House Speaker Martin Romualdez.

Ito ay matapos magdesisyon ng Kamara kamakailan na alisin ang 2024 confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd), parehong pinamamahalaan ni VP Duterte, upang ilipat umano sa mga ahensyang tumutugon sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS) at sa seguridad ng bansa.

Kaugnay nito, bilang pagdepensa sa kaniyang anak ay ilang mga patutsada ang binitawan kamakailan ni dating Pangulong Duterte laban kay Romualdez at sa Kamara, kung saan iginiit niyang ang Kongreso umano ang “most rotten institution” sa bansa, at magde-demand daw siya ng audit kapag tumakbo sa 2028 presidential elections ang House Speaker.

https://balita.net.ph/2023/10/13/ex-pres-rodrigo-duterte-magde-demand-ng-audit-pag-tumakbo-bilang-pangulo-si-romualdez/

https://balita.net.ph/2023/11/16/duterte-sa-pagtakbo-umano-ni-romualdez-bilang-pangulo-di-ka-mananalo-2/

Sinagot naman kamakailan ni Romualdez ang naturang mga patutsada ng dating pangulo.

https://balita.net.ph/2023/11/17/romualdez-sa-patutsada-ni-duterte-di-eleksyon-ang-sagot-sa-sikmurang-gutom/

Bukod sa naturang isyu, naging usap-usapan din kamakailan ang inihayag ni Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro noong Huwebes, Nobyembre 16, na mayroon umanong usap-usapan sa pagitan ng ilang mga kongresista hinggil sa posible umanong “impeachment” laban sa bise presidente.

https://balita.net.ph/2023/11/16/posibleng-impeachment-vs-vp-sara-napag-uusapan-ng-ilang-kongresista-castro/

Ngunit sa isang pahayag ay iginiit naman ni House Majority Leader at Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe na wala umanong basehan ang tungkol sa naturang impeachment.

https://balita.net.ph/2023/11/16/planong-impeachment-vs-vp-sara-hindi-totoo-dalipe/

Samantala, nagbabala naman kamakailan si dating Pangulong Duterte na mapipilitan umano siyang bumalik sa politika kapag pinatalsik sa puwesto ang kaniyang anak.

https://balita.net.ph/2023/11/21/maski-matanda-nako-duterte-tatakbong-senador-o-vp-pag-na-impeach-si-vp-sara/