Tila kinukwestiyon ng mga Pilipino ang kawalan umano ng aksyon ni Miss Universe 2011 Shamcey Supsup bilang national director sa gitna ng mga isyu sa katatapos lang na Miss Universe 2023.
Sa isang episode ng Marites University nitong Biyernes, Nobyembre 24, itsinika ni Ambet Nabus ang himutok ng local pageant community kaugnay sa nasabing pageanty.
“Nagtataka daw itong ating local community kung bakit ang ating national director na si Shamcey Supsup parang masyadong walang buto…para ipagtanggol man lang or idepensa or siya [Shamcey] mismo ang magkusa na alamin, magtanong man lang kung ano ba talaga ang naging procedure kasi nanalo naman nga kami ng tatlong special awards,” saad ni Ambet.
Marami kasing umalma sa naging resulta ng pageant lalo na nang kumalat ang deleted art card ng Top 5 ng Miss Universe 2023 kung saan kabilang si Michelle.
MAKI-BALITA: ‘Something fishy?’ Rhian, ni-repost trending art card ng MU Top 5 na kasama PH
MAKI-BALITA: Chie Filomeno sa Miss Universe 2023 results: ‘Galing ng cooking show!’
Naglabas naman ng pahayag ang pamunuan ng Miss Universe hinggil sa isyung ito.
MAKI-BALITA: Miss Universe El Salvador, may pahayag sa inilabas na unang ‘Top 5’ na kasama PH
Bukod pa rito, tila hindi rin daw naging maganda ang pagtrato kay Michelle sa El Salvador base sa mga video na kumakalat gaya ng biglang umanong pagpapaalis sa kaniya sa pictorial ng Miss Universe.
Ngunit ayon sa mga lumabas na ulat, nagpaalam daw si Michelle na baka puwedeng mauna nang bumalik sa hotel dahil umano maganda ang kaniyang pakiramdam.
MAKI-BALITA: ‘Pagpapaalis’ kay Michelle Dee sa pictorial ng Miss U candidates, pinalagan