Sasagutin ng pamahalaan ang magagastos ng asawa ni Pinoy caregiver Gelienor Pacheco kung bisitahin siya nito sa Israel kasunod na rin ng pagpapalaya sa kanya ng teroristang Hamas nitong Biyernes.
National
DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara
Ito ang tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado.
“If the wife wants to visit, she doesn't need a visa... we can pay for it, if she wants a compassionate visit,” pagdidiin ni De Vega.
Aniya, mananatili muna si Pacheco sa isang ospital sa Israel upang sumailalim sa medical test.
Ipinaliwanag din ni De Vega, desisyon na ni Pacheco kung nais pang manatili sa Israel o bumalik sa Pilipinas upang makapiling ang kanyang pamilya.
Kabilang lamang si Pacheco sa 24 hostage na pinalaya ng Hamas nitong Biyernes matapos silang dukutin sa Kibbutz Nir Oz nitong Oktubre 7.
Kabilang sa nasabing grupo ang 13 Israelis at 10 Thailander
Pinalaya ang grupo kapalit ng 39 Palestinian na nakakulong sa Israel.