Muling hiniling ng kontrobersyal na Smartmatic Philippines na ibasura ang kinakaharap na petisyon na i-disqualify ito sa pagsali sa bidding process para sa 2025 automated elections.

Sa pahayag ng kumpanya, iginiit nito na dapat nang ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon dahil umano sa "kawalan ng ebidensya."

"The petitioners' clear objective is both political, attempting to delegitimize the government, and commercial, supporting Smartmatic competitors. These claims are unfounded, presented as facts but lacking any evidence. The petitioners have not demonstrated a single vote discrepancy,” anang kumpanya.

Matatandaang naghain ng petisyon sina dating Department of Information and Communications Technology (DICT) chief Eliseo Rio Jr., dating Comelec Commissioner Augusto Lagman, Franklin Fayloga Ysaac, at Leonardo Odono noong Hunyo at sinabing dapat na i-disqualify ang Smartmatic matapos mabigong sumunod sa minimum system capabilities kaya't nagkaroon ng irregularidad sa transmission at pagtanggap ng election returns sa nakaraang 2022 elections. 

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

PNA