Umaasa si dating Senador Leila de Lima na magiging tama umano ang matatanggap na payo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa usapin ng posibleng pagbabalik ng Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

“I hope PBBM gets the right advice/insights, this time, on the matter of full cooperation with ICC probers,” ani De Lima sa kaniyang X post nitong Sabado, Nobyembre 25.

“Also on resumption of PH's ICC membership. These are decisional points of transcendental significance,” dagdag pa niya.

Ang naturang pahayag ni De Lima ay matapos sabihin ni Marcos sa isang panayam nitong Biyernes, Nobyembre 24, na pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibleng pagbabalik ng bansa sa ICC.

PBBM sa posibleng pagbabalik ng ‘Pinas sa ICC: ‘That’s under study’

Sinabi ito ng pangulo sa kabila ng posisyon niya sa isyu na hindi raw dapat ang taga-labas ang magdedesisyon hinggil sa imbestigasyon ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

https://balita.net.ph/2023/11/24/pbbm-di-dapat-diktahan-ng-taga-labas-ang-imbestigasyon-sa-drug-war-sa-ph/

Matatandaang inihain kamakailan sa Kamara ang resolusyon na naglalayong udyukan ang administrasyon na makipagtulungan sa ICC hinggil sa imbestigasyon nito sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.