Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), aabot pa rin sa 67 rockfall events ang naitala sa bulkan, bukod pa ang isang pagyanig.

Nasa 1,205 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong Nobyembre 24.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Nagkaroon din ng pagragasa ng lava sa Mi-isi, Bonga, at Basud Gullies.

Ipinagbabawal pa rin sa publiko ang pagpasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa nakaambang pagputok nito, pagbuga ng mga bato at pagragasa ng lahar sakaling magkaroon ng matinding pag-ulan.