Tila hindi magkasama ang Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco sa darating na Pasko.

Ayon kasi sa tsika ni Jun Nardo sa latest episode ng Marites University nitong Biyernes, Nobyembre 24, pupunta raw sa Hongkong ang Pambansang Ginoo na si David kasama ang pamilya nito.  

Samantala, si Barbie naman ay pinapatapos na ang ipinatayo niyang bahay para doon magdiwang ng Pasko.

Bukod dito, nabanggit din ni Jun ang tungkol sa upcoming action-drama ng GMA Network na “Pulang Araw” kung saan muling maitatampok ang dalawa.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

“Naku, tigilan na ‘yang historical na ‘yan, ha,” sabi ni Jun.

Agad namang sinaway si Jun ng kaniyang co-host na si Rose Garcia: “Hoy, nag-click naman ‘yung historical, ha.”

“O, ba’t ‘yung ‘Maging Sino Ka Man?” usisa pa ng matanda.

“Hindi naman historical ‘yun”, natatawang tugon ni Rose, “‘yun ay adaptation.”

Matatandaan kasi na tila hindi pumatok sa panlasa ng mga manonood ang huling proyekto ng nina Barbie at David. 

MAKI-BALITA: ‘Maging Sino Ka Man,’ ang huling tatlong linggo na

MAKI-BALITA: ‘Maging Sino Ka Man’, olats pa rin sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’?

Sa katunayan, hindi pa man nagsisimula ang nasabing serye ay inokray na agad ito ng mga tao.

MAKI-BALITA: Disclaimer na ‘A Special Limited Series’ ng Maging Sino Ka Man inokray