Dumating na sa bansa ang dalawa sa tatlong Pinoy seafarers na nasugatan matapos pasabugan ng missile ng Russia ang kanilang barkong KMAX Ruler sa Ukraine kamakailan.

Lumapag sa Clark International Airport sa Pampanga ang Qatar Airways flight QR930, sakay ang dalawang seaman na sinalubong naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Assistant Secretary Levinson Alcantara at ng mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3.

Ang ikatlong seaman ay nananatili pa ring nakaratay sa ospital dahil sa bali sa kaliwang braso at patuloy na inaasikaso ng kanyang shipping agency.

Nangakong bibigyan ng tulong ng gobyerno ang mga nasabing seaman.

National

Malacañang, iginiit na ‘di surveys batayan ng ‘effective public service’

Matatandaang papasok na sana sa Black Sea port sa Odesa region ang naturang civilian vessel patungong China upang mag-deliver ng iron ore nang tamaan ng missile nitong Nobyembre 8.