Nakakaloka ang kuwento ng aktres na si Arci Muñoz tungkol sa ninenok na debit card sa kaniya habang nasa isang flight siya pabalik ng Pilipinas.

Matatandaang sa kaniyang TikTok Live ay isinalaysay ni Arci ang karanasan para maging aware ang publiko sa mga ganitong "modus."

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Arci na mapapanood sa YouTube channel ng ABS-CBN na umere nitong Nobyembre 24, muling isinalaysay ni Arci ang insidente.

Ayon sa bangko, ang debit card daw na nakuha sa kaniya ay nagamit ng kawatan, at lumalabas na ₱500k daw ang nabawas sa kaniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section.

"Never leave ur bags with valuable items when ur travelling abroad. Always have it even if you're going to the restroom. Don't ever trust your seatmate inside the plane. Be alert and sober."

"Just because it's a 2-hour flight doesn't mean you'll be complacent with your belongings. The guy pilfered her bag when he saw her napping. It only takes seconds to steal anything from unsuspecting people."

"Kaya ako pag babyahe sa belt bag ko talaga nilalagay ang mga cards,money at passport ko. Makatulog man ako nasa katawan ko 'yan sa loob ng damit ko."

"Kaya dapat mag-ingat and be vigilant talaga."

MAKI-BALITA: Modus? Arci Muñoz nawalan ng credit card habang nasa eroplano