Ipinabatid ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos umanong yumanig ang magnitude 6.9 na lindol sa rehiyon ng Mariana Islands nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 24.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang magnitude 6.9 na lindol sa nasabing rehiyon region dakong 5:05 ng hapon.

Mayroon umano itong lalim na 10 kilometro.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng Phivolcs.

National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’

Dahil dito, wala umanong aksyon na kinakailangang gawin kaugnay ng naturang lindol.