Apat na nagpapakilalang konektado sa isang senador upang makapanloko ng mga contractor ang dinampot ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang operasyon sa Pasay City kamakailan.
Nakadetine na sa NBI-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) sina Ryan Lester Dino, alyas David Tan; Carlo Maderazo, alyas Engineer Maderazo; Dina Castro at Ma. Luisa Barlan.
Dinakip ang mga ito batay na rin sa kahilingan ng opisina ni Senator Sherwin Gatchalian.
Sa pahayag ng complaint na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan, nagpakilala sa kanya si Maderazo bilang inhinyero at sinabi rin na nangangailangan ang Pasay City government ng supplier ng construction aggregates para sa itatayong reclamation project.
National
DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara
Hinihingan din aniya siya ni Maderazo ng ₱100,000 lock-in payment at upfront fee na ₱400,000 na ipamamahagi sa mga kawani ng Pasay city Hall bilang "padulas."
Nagpakilala rin aniya si Maderazo na siya ay authorized representative ng senador.
Gayunman, natuklasang hindi konektado si Maderazo sa senador at wala ring itatayong reclamation project ang lungsod.
Nahaharap na sa kasong estafa, usurpation of authority, concealing true name, at paglabag sa Anti-Alias law ang grupo ni Maderazo.