Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang isang nanay mula sa India dahil sa pambihirang bilang ng kaniyang mga ngipin.

Sa ulat ng GWR, mayroong 38 na ngipin ang 26-year-old Indian mother na si Kalpana Balan, dahil kung bakit siya ang kinilala bilang bagong record holder para sa “most teeth in a person’s mouth (female).”

Ang bilang umano ng ngipin ni Kalpana ay anim na beses na mas marami kaysa sa bilang ng ngipin ng mga pangkaraniwang indibidwal.

“[She] has four extra mandibular (lower jaw) teeth and two extra maxillary (upper jaw) teeth,” anang GWR.

BALITAnaw: Ang ika-15 anibersaryo ng Maguindanao Massacre

Nagsimula umano ang “supernumerary teeth” ni Kalpana sa kaniyang pagkadalaga.

Bagama’t hindi naman umano ito masakit, nagiging sagabal daw ang marami niyang ngipin sa kaniyang pagkain.

“Her parents were ‘shocked’ when they first saw her extra teeth coming through and told her to get them taken out. However, Kalpana’s dentist suggested she wait until the teeth grow out more because they could not be easily removed,” kuwento ng GWR.

Mula noon, hindi na rin daw nakapagpatanggal ng extra na ngipin si Kalpana kahit tumanda na siya dahil natatakot siya sa procedure nito.

Bukod dito, mas napag-isip-isip daw niya na tama ang kaniyang naging desisyon nang gawaran siya ng GWR ng world record title dahil sa kaniyang mga ngipin.

“And Kalpana could be able extend her record in the future, as she has two more teeth which haven’t come through yet,” saad pa ng GWR.

Samantala, ang medical term umano ng pagkakaroon ng sobrang mga ngipin, tulad ng nangyari kay Kalpana, ay “ hyperdontia” o “polydontia.”

Nasa 3.8% daw ng populasyon sa mundo ang mayroong isa o higit pang supernumerary teeth.

“Hyperdontia is the result of a malfunction in the tooth formation process, although its exact cause is unknown,” saad ng GWR.

“It is thought that supernumerary teeth develop from an extra tooth bud arising near a regular tooth bud, or possibly from the splitting of a regular tooth bud. It also appears to be associated with several hereditary conditions, including Gardner syndrome, Fabry disease, cleidocranial dysostosis, and cleft lip,” dagdag pa nito.

Inihayag din naman ng GWR na ang male record holder para sa pinakamaraming ngipin sa mundo ay si Evano Mellone mula sa Canada na mayroong 41 na mga ngipin.