Motorcycle rider, patay sa aksidente sa Nueva Vizcaya
Patay ang isang rider matapos bumangga sa poste ng ilaw ang minamanehong motorsiklo sa Nueva Vizcaya nitong Huwebes ng gabi.
Dead on arrival sa Region 2 Trauma Medical Center ang hindi pa nakilalang rider dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan.
Sa paunang report ng pulisya, binabagtas ng rider ang national highway sa Brgy Osmeña, Solano, Nueva Vizcaya dakong 11:00 ng gabi nang sumemplang sa poste ng ilaw ng Nueva Vizcaya Electric Cooperative, Inc (NUVELCO).
Sa lakas ng pagkakasalpok, tumalsik ang rider na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente.