Wagi ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa kompetisyon para sa “Best National Costume” ng Miss Unvierse 2023, ayon sa pageant organization nitong Biyernes, Nobyembre 24.

"And the National Costume Winner is… Michelle Dee 🇵🇭! Chosen by the fans on our official Miss Universe app, Philippines is taking home the costume vote for this incredible outfit! 🛩️," pag-announce ng Miss Universe sa isang Instagram post.

Matatandaang inirampa ng Filipina delegate sa National Costume competition ng Miss Universe ang kaniyang airplane-inspired national costume, kung saan layon daw ng konsepto nito na isulong ang kuwento at turismo ng bansa, at ipakita ang kaniyang role bilang isang Air Force reservist.

Michelle Dee, idinetalye kaniyang national costume sa Miss Universe

Natapos naman ang journey ni Michelle sa 72nd Miss Universe bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

https://balita.net.ph/2023/11/19/michelle-dee-inihayag-bakit-si-apo-whang-od-inspirasyon-sa-evening-gown/

Hindi man nakapasok sa Top 5, hindi pa rin matatawaran ang karangalang ibinigay ni Michelle sa bansa lalo na’t bukod sa “Best National Costume Award,” winner din siya ng tatlo pang special awards: ang “Spirit of Carnival Award,” “Miss Universe' fan vote,” at ang “Voice for Change Award,” kung saan naka-highlight dito ang kaniyang advocacy para sa autism acceptance at empowerment.

You made us proud, Queen!

Kaugnay na Balita:

https://balita.net.ph/2023/11/24/muph-inanunsyo-ang-grand-salubong-para-kay-michelle-dee/