Mga paaralan, ospital na nasira ng lindol sa Sarangani, aayusin -- Marcos
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na aayusin ang mga nasirang paaralan at ospital na tinamaan ng lindol sa Sarangani kamakailan.
Ikinatwiran ng Pangulo, naantala lamang ang pagsasagawa nito dahil sa nararanasang aftershocks ng 6.8-magnitude na lindol na tumama sa Davao Occidental nitong Biyernes.
Ibinahagi rin ng Pangulo na tinatayang nasa 20 na paaralan sa Sarangani at 32 sa General Santos City ang naapektuhan ng pagyanig.
Nauna nang tiniyak ni Marcos na inihahanda na ng pamahalaan ang materyales para sa pagpapatayo ng mga nasirang gusali ng pamahalaan sa naturang rehiyon.
Nakahanda na rin aniya ang financial assistance at livelihood program para sa mga mangingisda at magsasaka.