Tiniyak ng Department of Health (DOH) na masusi nilang mino-monitor ang napaulat na pagtaas ng respiratory illnesses at mga kaso ng pneumonia sa mga bata sa China.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa, posibleng ang biglaang paglamig ng panahon ang nagdudulot ng pagtaas ng respiratory illness sa Beijing.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Pahayag pa ni Herbosa, "We are monitoring that because the World Health Organization is monitoring this respiratory illness out of China. Babantayan din natin 'yan. Like any outbreak or clustering - ang tawag diyan clustering may similar cases in one location - so that might be the start of something or it might not be. Pwedeng common colds or flu lang 'yan. But we are watching it."

Umaasa rin naman si Herbosa na ito’y isang regular na trangkaso lamang at hindi bago at emerging infectious disease.  “They will diagnose that eventually," aniya pa.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang DOH, sa pamamagitan ng kanilang Epidemiology Bureau, sa International Health Regulations (IHR) National Focal Point ng China at humingi ng karagdagang impormasyon dito.

Dagdag pa nito, maging sa Pilipinas, may mga naiuulat ring mga suspect cases ng influenza-like illnesses (ILI) ngunit mabagal lamang umano ang pagtaas ng mga kaso nito.

Hinikayat din naman ng DOH ang mga mamamayan na maging maingat upang hindi mahawa o makahawa ng sakit.

“Currently, ILI cases are still on an uptrend but at a slower pace. To prevent further case increases, the Department encourages the public to practice these preventive measures: observe cough etiquette; masking, as appropriate; get vaccinated; ensuring stay home or isolate if ill; and seek early consult, when needed,” payo pa ng DOH.