Nakatikim ng birada mula sa award-winning actor na si Christian Bables ang ilang netizens na sinita at bina-bash daw ang ginawa niyang pag-post tungkol sa engkuwentro niya sa isang batang lalaki habang papauwi at bumibili ng doughnuts.

Ayon sa Facebook post ni Christian, inakala niyang nanghihingi ng limos ang bata kaya inihanda na niya ang ibibigay na barya, matapos itong kumatok sa bintana ng kaniyang kotse.

Ngunit hindi pala manlilimos ang bata kundi trick or treat, kaya may nakapatong na sanga ng halaman sa kaniyang ulo.

Nang bigyan ni Christian ng munchkins at pera, isinauli ng bata ang pera at okay na raw ang pagkain. Isinauli pa nito kay Christian ang sobrang doughnuts para may makain pa raw ito ay hindi mamatay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Sobrang lakas ng tawa ko! Pero after a while I realized, ito yung konsepto niya ng survival. Para 'hindi siya mamatay'. Ang maghanap ng kakainin sa bawat araw at ang mag trabaho ng marangal (imbis na mag aral) para magka pera at maka kain at para 'hindi siya mamatay' šŸ’”."

"Sharing this encounter with you guys. I know and I am sure, kagaya ko, kailangan niyo rin marinig ito ā¤ļø," anang Christian.

Ipinaliwanag pa ni Christian na kaya niya shinare ang karanasan ay upang magsilbing inspirasyon sa lahat.

Subalit hindi pa rin maiiwasang may bashers na nagsabing huwag na niyang i-post ang pagtulong.

Talak naman ni Christian, hindi niya pino-post ang pagtulong niya sa bata kundi ibinabahagi lang ang karanasan, at dahil natuwa siya sa mga sinabi nito.

"Hello, may mga comment na sinasabing help without posting. I shared the experience, not the help. Nagkataon na part ng experience na naabutan ko ng kaunting pagkain yung bata."

"Kaya nagiging mahirap ang pag pili sa kindness para sa karamihan, dahil sa mga taong ganito. Hindi ka makagalaw ng tama at naayon sa nararamdaman mo. Dahil bawat kilos, mali. Parang sila ang batayan ng kung anong tama at hindi. Pero pag nakita mo sila sa personal, mga numero unong walang nai aambag kundi dakdak."

"Mga pa woke friends, masyado kayong madaming alam na kadalasan, wala sa lugar. May masabi lang. Sana masabugan ng goodbye Philippines yang bibig at mga kamay niyo sa New Year," pambabarag ni Christian.

Photo courtesy: Christian Bables (FB)

MAKI-BALITA: Christian Bables flinex ang engkuwentro sa isang batang ā€˜marangalā€™