Naantig ang damdamin ng mga netizen sa ibinahaging Facebook post ng award-winning actor na si Christian Bables matapos ang engkuwentro sa isang batang lalaki sa kalsada.

Hindi makapaniwala si Christian sa batang inakala niyang manlilimos sa kaniya, subalit iba pala ang pakay.

"On my way home last night, nag crave ako sa donuts 🥹 Munchkins na lang ang natira, and swerte naman dahil flavor ko yung nakuha ko. While I was waiting for my order, kinatok ng batang nasa picture yung bintana. So nag prepare ako ng barya para ibigay sa kanya, pero natuwa ako pag bukas ko ng bintana kasi imbis na manghingi siya ng pera, ang una kong narinig sa kanya 'trick or treats po.'

"It made me smile in an instant. Sabi ko magtatapos na ang November, bakit yan parin? Wala daw kasi siyang pang Christmas na costume, kaya trick or treats parin kasi pang Halloween lang daw yung costume niya - Yung sanga na nasa ulo niya."

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nagulat si Christian nang ibalik sa kaniya ng bata ang perang iniaabot niya rito. Mga donuts lamang ang kinuha nito, at hindi lahat ay kinuha dahil kailangan daw niyang kumain para hindi mamatay.

"When the munchkins arrived, inabot ko na sa kanya yung lahat ng nabili ko and kaunting money. Hindi niya tinanggap yung pera, and binalik sakin yung isang bag ng munchkins. Sabi niya, ok na daw yung mga donuts. Maglilinis na lang daw siya ng sasakyan para may pera siya at akin na lang daw yung isang bag ng munchkins kasi kailangan ko daw kumain PARA HINDI DAW AKO MAMATAY."

Bagama't natawa bilang initial reaction, napagtanto ni Christian na baka ito ang konsepto ng bata patungkol sa survival. Kumayod upang hindi mamatay.

"Sobrang lakas ng tawa ko! Pero after a while I realized, ito yung konsepto niya ng survival. Para 'hindi siya mamatay'. Ang maghanap ng kakainin sa bawat araw at ang mag trabaho ng marangal (imbis na mag aral) para magka pera at maka kain at para 'hindi siya mamatay' 💔."

"Sharing this encounter with you guys. I know and I am sure, kagaya ko, kailangan niyo rin marinig ito ❤️," anang Christian.

Sa comment section ay ipinaliwanag ni Christian ang dahilan kung bakit niya shinare ito.

"Thanks for the kind words mga mahal. Isa nalang kasi yan sa sobrang kakaunting libre ngayon, ang kindness. Gamitin na natin ng gamitin ❤️."

"Just thought of sharing my experience with you, kasi ganda ng effect sa akin ❤️ hmmm I guess let’s pay it forward? Magandang thought din yung how about let’s choose kindness today… Cliche as it may sound, pero it really makes a huge difference."

May mensahe rin siya sa mga nagsasabing dapat daw, hindi na niya pino-post ang pagtulong.

"Hello, may mga comment na sinasabing help without posting. I shared the experience, not the help. Nagkataon na part ng experience na naabutan ko ng kaunting pagkain yung bata."

"Kaya nagiging mahirap ang pag pili sa kindness para sa karamihan, dahil sa mga taong ganito. Hindi ka makagalaw ng tama at naayon sa nararamdaman mo. Dahil bawat kilos, mali. Parang sila ang batayan ng kung anong tama at hindi. Pero pag nakita mo sila sa personal, mga numero unong walang nai aambag kundi dakdak."

"Mga pa woke friends, masyado kayong madaming alam na kadalasan, wala sa lugar. May masabi lang. Sana masabugan ng goodbye Philippines yang bibig at mga kamay niyo sa New Year."