CAMP VICENTE LIM, Laguna - Mahigit ₱21 milyong halaga ng mga kwestiyonableng sigarilyo ang nasamsam at 34 katao ang inaresto, kabilang ang pitong Chinese, matapos lusubin ng mga awtoridad ang pagawaan ng sigarilyo at mga bodega nito sa Agoncillo, Batangas nitong Huwebes.

Hindi na isinapubliko ng Police Regional Office 4-A (PRO4A) ang pagkakakilanlan ng mga naarestong Chinese at 27 pang Pinoy.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naiulat na isinagawa ang magkasunod na operasyon sa Barangay Adia at Brgy. Pansipit sa Agoncillo.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 331 kahon ng sigarilyo sa Adia warehouse, at 341 pang kahon nito sa isa pang bodega sa Brgy. Pansipit.

Ang mga dinakip ay kakasuhan ng smuggling at paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997.