Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Huwebes ng umaga, Nobyembre 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 11:24 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 56 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Glan, Sarangani, na may lalim na 10 kilometro.

Itinaas ang Intensity II sa General Santos City.

Mula magnitude 7.2: Lindol sa Davao Occidental, ibinaba sa M6.8

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Don Marcelino, DAVAO OCCIDENTAL; Kiamba, Glan, Maasim, SARANGANI; T'Boli, SOUTH COTABATO; General Santos City

Intensity II - Matanao, DAVAO DEL SUR; Alabel, SARANGANI; Polomolok, SOUTH COTABATO

Intensity I - Maitum, Malungon, SARANGANI; Lake Sebu, Tupi, SOUTH COTABATO; Bagumbayan, SULTAN KUDARAT

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol, na unang naiulat na magnitude 7.2, sa Sarangani, Davao Occidental noong Nobyembre 17.