Idinetalye ng Professional Regulation Commission (PRC) ang isasagawang face-to-face mass oathtaking para sa bagong pharmacists ng bansa.

Sa tala ng PRC nitong Miyerkules, Nobyembre 23, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa darating na Disyembre 9, 2023, dakong 10:00 ng umaga sa Plenary Hall, Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

“All successful examinees who are interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register not later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.

“Inductees shall come in Filipiniana/Barong Tagalog and are required to PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’

Pinapayuhan din ng PRC ang mga inductee na magparehistro at kumpirmahin ang kanilang pagdalo sa mga rehiyon kung saan sila kumuha ng kanilang licensure examination at nais na magparehistro bilang mga propesyunal.

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.

Iaanunsyo naman umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” saad ng PRC.

“For more information on the oathtaking proper, please text or viber 09054298533 , Mondays to Fridays from 9:00 A.M. to 4:00 P.M., or proceed to Room 315, 3rd Floor Don Lorenzo Building, 889 P. Paredes Street, Sampaloc, Manila,” dagdag pa nito.