Umabot na sa ₱47.3 milyon ang halaga ng napinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa pagbaha bunsod ng shear line sa Eastern Visayas.
Probinsya
Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?
Ito ang isinapubliko ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes at sinabing kabilang sa napinsala ang mga pananim at alagang hayop.
"Out of the 143 municipalities and cities in the region, 11 municipalities were able to submit initial damage reports. These are San Jorge and Calbayog in Samar, Dolores, Jipapad and Maydolong in Eastern Samar; and Lope de Vega, Catarman, Palapag, Las Navas, Allen and San Roque in Northern Samar," bahagi ng pahayag ng DA.
Apektado ng kalamidad ang 1,877 magsasaka, 2,604 indibidwal at 1,941 ektarya ng taniman, anang ahensya.
Sa pagtaya ng DA, magsisimula ang unang bugso ng pagtatanim ng palay sa Enero 2024.
"However, with this present situation, planting calendar will be modified and will be moved to give way to rehabilitation due to damage. The target production for palay for the 1st quarter will necessarily be affected," dagdag pa ng ahensya.
PNA