Tila hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan nina TV host-comedian Anjo Yllana at ng kapatid nitong si Jomari Yllana.

Sa latest vlog kasi ng actress-politician na si Aiko Melendez nitong Miyerkules, Nobyembre 22, nabanggit ni Aiko kay Anjo na hindi umano sila nag-uusap ni Jomari. Si Jomari ay dating asawa ni Aiko. 

“Huwag kang mag-alala, hindi rin kami nag-uusap,” segunda naman ni Anjo sabay tawa.

Bagama’t ayaw na niyang magbanggit pa ng ilan pang detalye, aminado naman si Anjo na may problema talaga sila ni Jomari.  

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

“I just don’t wanna lie na mayroong hindi tama. May problema kaming magkapatid but that’s between us. As much as possible, ayaw ko na ngang pag-usapan,” saad ni Anjo.

Pero masaya naman daw si Anjo para sa kapatid na kamakailan lang ay ikinasal na kay Abby Viduya o mas nakilala bilang Priscilla Almeda.

Matatandaang noong nakaraang taon ay inakusahan ni Anjo si Jomari na nambulsa raw ng campaign funds.

MAKI-BALITA: Jomari at Abby, inakusahan ni Anjo Yllana; binulsa raw ang campaign funds?