Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga - Dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lider ng isang criminal group at dalawang miyebro nito sa inilatag na anti-drug operation sa Subic, Zambales nitong Miyerkules ng gabi.

Hawak na ng PDEA si Roger Janawi, pinuno ng Janawi criminal group at dalawang kasamahan na hindi na isipubliko ang pagkakakilanlan.

Sinabi ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Police Brigadier General Jose Hidalgo, Jr., ang operasyon ng Subic Municipal Police Station at PDEA Zambales Provincial Office ay ikinasa sa Barangay Calapacuan, Subic dakong 8:55 ng gabi.

Kumpiskado ang 296 gramo ng illegal drugs na nagkakahalaga ng ₱2,012,800 at isang caliber .38 revolver na may kargang anim na bala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito