Hindi naghahanap ng gulo ang isinagawang joint maritime at air patrol ng Pilipinas at United States sa West Philippine Sea (WPS) nitong Huwebes ng umaga.
Ito ang paglilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner, Jr. sa isang television interview nitong Nobyembre 23 kaugnay ng palihim na pagbuntot sa kanila ng isang Chinese People's Liberation Army Navy (PLAN) vessel habang si;a ay naglalayag 30 nautical miles sa Malampaya gas field facility sa northern Palawan, daking 10:15 ng umaga.
“There was shadowing. So we monitored a Chinese vessel shadowing the joint maritime patrol but there are no aggressive actions by China and I hope that this continues,” paglilinaw ni Brawner.
National
DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara
Nasa 6.5 nautical miles ang naturang Chinese vessel na bumubuntot sa dalawang barko ng Pilipinas at sa isang U.S. vessel, anang opisyal.
Ang naturang joint maritime patrol aniya ay hindi upang udyukan ang mga Chinese na nakapuwesto sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS
“It is not meant to agitate China. Iyon lang ang talagang objective natin is to make sure that we have interoperability with our ally, the US, and also to impose that objective of making sure that we promote the rules based international order,” paliwanag pa ni Brawner.
Idinagdag pa ni Brawner na naging matagumpay ang pagpapatrolya nila sa WPS dahil walang naitalang insidente.
Tumagal ng tatlong araw ang joint patrol ng dalawang bansa sa WPS matapos simulan nitong Nobyembre 21.