Nagbigay ng mensahe si Kapamilya actress Jane Oineza matapos matanggap kaniyang Loyalty Award mula sa Star Magic.

Ang Star Magic, ay talent management arm ng ABS-CBN.

Sa Instagram post ni Jane kamakailan, ibinahagi niya ang kaniyang journey bilang artista sa loob ng mahigit dalawang dekada.

“I started working since I was 4 years old and I’ve been with Starmagic for 22 years and I wouldn’t be where I am right now if not for them, accepting this recognition right here without the people who believed, trusted and gave me lots of opportunities where I can show my strengths and pushed me to be the best version of myself,” saad ni Jane.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Walang maliit na role. Palagi kong sinasabi sa sarili ko, every role I get is a chance for me to showcase what I can do and offer. Kaya salamat po sa lahat ng nagbigay ng tiwala at sa mga sumugal po sakin. Maraming salamat po,” aniya.

Dagdag pa ng aktres: “This wasn’t an overnight success. Hindi po naging madali.. the journey was long and challenging with lots of trial and errors. I have had my fair share of disappointment, rejection and self doubt. Pero buti hindi ako sumuko because all of that has proven to be worth it. Literal na sweat and tears and I still have a long way to go. I am still a work in progress, but I acknowledge the hard work that I have put in and this recognition is a symbol of that.”

Kaya naman todo-pasasalamat si Jane sa mga naging bahagi ng kaniyang paglalakbay sa mundo ng showbiz mula sa mga direktor, staff, at crew.

Nagpaalala rin si Jane sa huli na huwag umanong ituring na katunggali ang mga kasabayan sa industriya. Dahil kung may pinakamalaking katunggali man ang isang tao—iyon ay ang kaniyang sarili.

“Ang pinaka importante ay patience, hardwork, consistency and a good attitude. I share this award to all of you Kapamilya ❤️💚💙 Maraming salamat po,” saad pa niya.

Ang ilan sa mga naging unang proyekto ni Jane ay noong gumanap siya bilang Arabella Crisostomo sa teleseryeng “Sa Dulo ng Walang Hanggan” (2001) at bilang Jackie naman sa sitcom na “Bida Si Mister, Bida Si Misis”. Naging bahagi rin siya ng defunct gag show na “Goin’ Bulilit”.

Sa kasalukuyan, kasama si Jane sa collaboration series ng ABS-CBN at TV5 na “Nag-aapoy Na Damdamin”. Ito ang first lead role niya kasama sina Tony Labrusca, JC De Vera at Ria Atayde.