Walang idineklarang nanalo sa Super Lotto 6/49 draw nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sinabi ng PCSO, bigo ang mga mananaya na mahulaan ang 6 digits na winning combination na 39-11-13-36-32-08, katumbas ang premyong  ₱170,454,894.20.

Sa isa pang draw, wala ring tumama sa winning combination ng Lotto 6/42 na 06-18-32-31-26-14 na may jackpot na ₱15,274,031.

Asahang tataas pa ang jackpot ng mga nasabing lotto games sa susunod na draw.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang 6/42 ay tuwing Martes, Huwebes at Sabado.