Nangako ang pamahalaan na gagawin ang lahat ng makakaya upang mailigtas ang 17 Pinoy seamen na kabilang sa 25 na binihag ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea, Yemen nitong Nobyembre 19.

“The safety of our 17 Filipino seafarers is of utmost concern. DFA (Department of Foreign Affairs) is in coordination with their counterparts in Iran, Oman, Qatar, and Saudi Arabia for updates, and the DMW (Department of Migrant Workers) is in regular communication with the families of the hostages,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr nitong Miyerkules.

“Our seafarers are not alone. The government is doing everything in our power to bring them safely home,” pagdidiin ni Marcos.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Sinalakay ng mga nasabing rebelde ang cargo vessel na Galaxy Leader nitong Linggo at hinostage ang 25 na tripulante, kabilang ang 17 Pinoy, bilang ganti sa opensiba ng Israel sa Gaza, ayon sa naunang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Naiulat na pag-aari ni Israeli businessman Abraham "Rami" Ungar ang nasabing barko na ino-operate ng isang Japanese company.