Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang binitiwang pahayag ng aktor na si Diego Loyzaga kaugnay sa kasal.
Naganap ito sa panayam sa kaniya ni Toni Gonzaga sa talk show vlog nitong "Toni Talks" sa YouTube.
Ayon kay Diego na isa nang ganap na daddy at may non-showbiz partner, dahil sa mga nasaksihang pagkasira ng relasyon ng mga magulang, napagtanto niyang ang kasal ay isang "piece of paper" lang.
“I don’t believe in marriage. It’s a piece of paper for me,” saad ni Diego.
MAKI-BALITA: Diego Loyzaga ‘di naniniwala sa kasal: ‘It’s a piece of paper’
“Kunyari lang, a. You and me, we agree on everything. There’s not a spot or piece of line or paragraph that we don’t agree on. Absolutely everything. A hundred percent. Crystal clear. Why must we now get it written down on a piece of paper and then get someone else to bestow onto us that we are now a married couple?” ani Diego.
Dagdag pa niya: “Ang sa akin lang kasi, is if ever we fight in the future and get to the point na ‘Ayoko na sa’yo’, ikaw galit na galit ka na sa akin. It’s not a big matter of having to go somewhere and get annulled, get divorced… It’s because I guess growing up, I grew around it so much and I got to see it so much… separation. Aside from my own parents, even people around me…So why did you have to sign a piece of paper? What do you get in the end?”
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"GANYAN ang mindset ng mga bagong henerasyon ngayon. Sana tinuruan ng magulang ng kahalagahan ng kasal. Perhaps din kasi dahil sa nakikita niya sa kanyang mga magulang at sa paligid niya kaya ganyan ang paniniwala niya."
"Galing din ako sa broken family pero iba ang perspective ko pagdating sa pagpapakasal. Kasal na ako ngayon at if ever magkakalaboan kmi ng husband ko in the future at kapalaran na ang bahala."
"baka tikim2x lang hanaP nya"
"Nasa bible ang marriage, it is not a human agreement but a blessing from GOD."
"Behind his negative perspective. Still His thoughts and feelings are VALID, I understand where he came from. Sometimes it's all about the past experience, that is why he came to this statement."
Samantala, nagkomento rin dito ang doktor at content creator na si Dr. Richard Mata.
Inilapag niya ang kaniyang reaksiyon sa comment section ng isang entertainment news page.
"Red flag kapag ganyan ang BF mo. Kawawa ang magiging anak niyo at kawawa ka. Let him be but it's time to plan your exit habang bata ka pa."
Sa kaniyang sariling Facebook post ay muling nagbigay ng reaksiyon ang doktor.
"Sabihin niyo na akong old fashioned . Marriage certificate is not just a paper, it's a legal certificate, marriage is not just a commitment to your partner, it’s a commitment to God," aniya.