Gusto mo bang makatanggap ng raffle prize na tatlong araw na pahinga mula sa trabaho with pay, sa halip na pera o appliances?

Iyan kasi ang ipina-raffle ng isang food and beverages company sa Pasig City, ayon sa ulat ng "Good News" ng GMA Network.

Tampok sa ulat ang empleyadong si "Shanen Sangrines" na siyang nanalo sa nabanggit na raffle. Hindi raw siya makapaniwalang sa dami nila, pangalan niya ang mabubunot at magkakaroon ng tatlong araw na pahinga with pay.

Susulitin daw ni Shanen ang tatlong araw na pahinga upang pagbalik sa trabaho ay ganado ulit siya. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho rito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Hindi na raw bago sa kompanya ang pagpapa-raffle na nagpo-promote ng self care, kaysa sa appliances o pera.

Sana all 'di ba?