Nagbigay ng mensahe ang aktor na si Jeric Raval para sa kapuwa niya action star at senador na si Robin Padilla.

Matatandaang estranged wife ni Aljur ang anak ni Robin na si Kylie Padilla. Nagkahiwalay sila kalaunan at naging karelasyon ni Aljur si AJ. Pero paglilinaw ni AJ, hindi umano siya naging kabit ni Aljur.

MAKI-BALITA: Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kumpirmadong hiwalay na

MAKI-BALITA: ‘Ikamatay man daw ng pamilya niya!’ AJ hindi raw kabit ni Aljur noon

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

At sa isang episode nga ng “Sarap ‘Di Ba” kamakailan, tinanong ng host na si Carmina Villaroel kung ano raw ang sasabihin ni Jeric sa kaibigan niyang si Robin tungkol sa aktor na si Aljur Abrenica.

Hindi napigilang matawa ni Jeric sa naging sa tanong sa kaniya ni Carmina.

“Bakit ako nagpapaliwanag? Hindi naman ako ang nakipagrelasyon,” hirit pa niya.

Pero sinagot niya rin naman ito nang diretso: “Basta ako ang sasabihin ko lang: ‘Tol, wala akong kinalaman diyan, ha. Hindi ko alam ‘yan’.”

Ayon sa paliwanag ni Jeric, siya raw kasi ang tipo ng tatay na hindi nangingialam sa lovelife ng kaniyang mga anak. Pero handa naman daw siyang tumulong para sa mga ito kung sakali mang kailanganin.

“Tayo namang mga magulang lagi naman tayong nandiyan para sa kanila,” sabi pa niya.

Matatandaan na sa isang panayam ni Jeric noong Agosto, sinabi niyang may tatlong bagay raw siyang ipinakiusap kay Aljur.

MAKI-BALITA: Jeric Raval may 3 bagay na pakiusap kay Aljur Abrenica noon