Tila pumapabor ngayon ang kapalaran para kay Paulo Avelino matapos ipasilip ng Viu Philippines ang Filipino adaptation ng sikat na KDrama series na “What’s Wrong With Secretary Kim?”

Kinaaliwan at kinakiligan ng mga netizen ang pagpapalitan ng X posts ng dalawa nitong Lunes, Nobyembre 21.

Nagsimula ang lahat nang i-retweet ni Kim ang post ng Kapamilya Online World kung saan tampok ang larawan nila ni Paulo kasama ang komento ng isang netizen.

“Napaka-successful mo na, Victor. Ngayon boss ka na ni Juliana,” saad ng netizen na ang tinutukoy ay ang mga karakter na ginampanan ng dalawa sa TV series ng Prime Video na “Linlang”.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Multiverse!😱😅” sabi ni Kim.

Hindi naman nagpahuli si Paulo at naki-join na rin kay Kim: “Sec Kim, paki ayos yung tuchang ng buhok ko. Nakaka-OC.”

“Copy po…. BOSS!!!!🫡” sagot ni Kim.

https://twitter.com/mepauloavelino/status/1726847037449400357

https://twitter.com/prinsesachinita/status/1726850806304116762

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang tugong ito ni Kim kay Paulo. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“HOY HOY HOY KIMBERLY SUE! IKALMA MO YAN!! HAHAHAHAHA”

“Hahahha ito na simula paghihiganti ni Victor 😂😄😆✌️”

“Hala napaka rupok mo nmn juliana”

“Simpleng bardagulan lang pero nkkakilig🤭🤭”

“Lagot kana ngayon Juliana! 😹 buti nga sayo hahahaah”

“Paano ba yan Juliana? Baliktad na ang mundo nyo ni Victor. Once again congratulations Kimmy ❤️💚💙”

“Kilig for these two 🥹😍 can’t wait to watch the new series!! Bring on 2024!! #WhatsWrongWithSecretaryKim !! The chemistry between these two 💕 KimPau”

“Ang formal pero ang sweet ng dating🤗🤗”

“Pero sa totoong buhay, ikaw yung boss nya? Hahahaha”

“Pwede naman magnakaw ng halik dba Vice Chairman? Habang inaayos ni Sec Kim yung tuchang🤣🤣🫰🏻✌🏻”

Ang nasabing Filipino adaptation ay collaboration ng Viu at ABS-CBN at ipo-produce ng Dreamscape Entertainment. Bagama’t wala pang eksaktong petsa, nakatakda itong ipalabas sa darating na 2024.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’