Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Martes ng madaling araw, Nobyembre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:28 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 28 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Glan, Sarangani, na may lalim na 57 kilometro.
Itinaas ang Intensity IV sa City of General Santos, habang Intensity III sa Tupi, South Cotabato at Maasim, Sarangani.
Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV - Alabel, SARANGANI; CITY OF GENERAL SANTOS; T'Boli, SOUTH COTABATO
Intensity III - Pikit, COTABATO; Maasim, Kiamba, Malungon, Maitum, Malapatan, at Glan, SARANGANI; Suralla, Polomolok, and Tupi, SOUTH COTABATO
Intensity II - Lake Sebu at Tampakan, SOUTH COTABATO
Intensity I - Bagumbayan, SULTAN KUDARAT
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol, na unang naiulat na magnitude 7.2, sa Sarangani, Davao Occidental noong Nobyembre 17.