Ipinasilip ng online streaming platform na Viu Philippines ang Filipino adaptation ng sikat na K-Dramang “What’s Wrong With Secretary Kim”.

Sa Instagram post ng Viu nitong Martes, Nobyembre 21, tampok ang dalawang “Linlang” stars na sina Kim Chiu na gaganap bilang Secretary Kim at Paulo Avelino bilang Vice Chairman.

Muntik maging kuwento: Lalaking di pala lumalangoy, nag-dive sa Recto underpass

View this post on Instagram

A post shared by Viu Philippines (@viuphilippines)

Dahil dito, naging masaya at excited tuloy ang mga fan nina Kim at Paulo para sa bagong proyekto ng dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Yeyyy! Dininig tayo mga ka #kimpau 😍😍😍 mas bagay din talaga kay Paulo eh tas chemistry pa nila ni Kim!!! Aaahhhh”

“Graveeeee simula lumipat tung si Paulo sa 2 nagmukha talaga siang artista ngaun di lang sia artista isang magaling dekalibre na aktor dinaig pa nia ung sinasabing primetime actor nila s kabila”

“Ngaun na lang ulit ako na excite manood ng kdrama adaptation!! Super bagay kay kim at paulo! instant fan na ako hahahaha ❤️🔥👏 kilig na agad!!!”

“My heart for KimPau is already alive”

“Kimpau for the win❤️❤️❤️”

“Oh my! Di pa man nagkakapartner si kim and paulo sa linlang, dati ko pa naiisip na if ever magkakapinoy adaptation to bagay kay kim and paulo 😍”

“Wow i love that series!!!!! Congratulations Kim!!!!!!!!”

Ang nasabing adaptation ay collaboration ng Viu at ABS-CBN at ipo-produce ng Dreamscape Entertainment. Bagama’t wala pang eksaktong petsa, nakatakda itong ipalabas sa darating na 2024.