Ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban sa kaniyang latest vlog na may iniinda siyang karamdaman, na nauna na niyang naramdaman noong nagbubuntis siya sa firstborn nila ng partner na si Gregg Homan na si Baby Amila Sabine o "Bean."
Ani Angge, siya ay may tinatawag na "avascular necrosis," na sa layman's term, death of bone tissue dahil sa kawalan ng suplay ng dugo.
"We haven't shared this to everyone. But, I had the feeling of letting you guys know as I believe this life journey of ours will give maybe at least anyone of you a strength and inspiration to fight and never give up," ani Angge sa caption ng kaniyang ">vlog.
"Lately, I’ve been suffering hip’s pain, it has been very difficult for my family and I. I have no idea that this isnt a simply back or waist act. Upon going for a check to a doctor, my family and I figure out that I had Avascular Necrosis."
Akala raw niya, sumasakit lang ang balakang niya dahil sa pregnancy kay Baby Bean.
Pero nang makapanganak at ganoon pa rin, nagpa-check up na siya at doon na nga napag-alaman ang kaniyang sakit.
Agad na raw siyang sumailalim sa medical procedures hinggil dito.
"Nagawa na ‘yong procedure... nakapagpasok na sila, na-drill na nila ‘yong hole papunta doon sa dead bone ko,” aniya.
“Nilagyan nila ng plasma nang sa gayon magkaroon ng regrowth, mabuhay siya ulit, magkaroon ng blood flow,” paliwanag niya.
Wala raw dapat ipag-alala ang mga tagahanga dahil nasa road to recovery na siya.
"Patuloy ang pagiging positive na matatapos na 'yong kalbaryo dito sa nararamdaman ko dahil finally na pin-point namin kung ano talaga ang sakit ko. So minsan I just can't believe na at the age of 37 nagkaroon ako ng bone death, there's something dead inside me. I am hoping na mabilis din ang recovery ko at hopefully makapagtrabaho na ako next year. I will keep you posted."
"Mas pabuti nang pabuti ang pakiramdam ko. Kaya salamat sa lahat nang sumubaybay. Salamat sa lahat ng mga naging concern at ito na nga ang ating road recovery. Mas magpapalakas pa at mas iingatan pa lalo ang health para sa mga taong umaasa at nagmamahal sa atin. So sa ganoon din ang gawin n'yo guys. Ingatan n'yo ang inyong sarili, mentally, physically lahat-lahat na 'yan," paalala pa ni Angge.
Get well soon, Angge!