Bilang pagdiriwang ng pasasalamat at pagkakaibigan, idinaos ng Angkas, isa sa mga motorcycle ride-hailing at delivery service app sa Pilipinas, ang kanilang proyektong ‘Alagang Angkas: Pamilya Weekend’ sa kanilang tanggapan sa Cainta, Rizal.

Sa naturang driver-centric event, tinipon ng Angkas ang may 1,000 Angkas bikers at kanilang mga pamilya at pinagkalooban ng wellness at community services.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kabilang sa ipinagkaloob sa mga kalahok ay mga pangunahing serbisyong pagkalusugan, gaya ng libreng health screenings, eye exams, at dental checkups.

Nag-enjoy at na-relax din naman ang mga kalahok dahil sa masasarap na pagkain, at mga libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng mga gupit, manicure, at masahe.

Maging ang mga paslit ay labis ring nasiyahan sa mga inihandang entertainment ng Angkas para sa kanila, kabilang na ang mga magic show, film showing, at isang inflatable activity area.

Nabatid na lumahok din sa event ang SariSuki, na isang community selling platform at partner ng Alagang Angkas: Pamilya Weekend, at nag-alok ng grocery products sa mura o discounted na halaga lamang.

Sumuporta rin sila sa mga asawa ng mga bikers sa pag-explore ng supplementary income opportunities.

Ayon kay Angkas CEO George Royeca, mahalaga ang pagsuporta sa mga bikers at sinabing, “Our lodi bikers are at the core of our operations. This family day reflects our commitment to providing the help and support they deserve, acknowledging their hard work and dedication. It's also an opportunity for us to listen and discover how we can better serve them.”

Alinsunod naman sa kanilang dedikasyon sa driver empowerment, nakipagtuwang rin ang Angkas sa Pag-IBIG upang ikonek ang mga bikers sa mga onsite representatives para sa kanilang mga katanungan at rehistrasyon.

“Partnering with Pag-IBIG strengthens our bikers' social safety net. We do this because we recognize their daily efforts on the streets and commitment to delivering quality service to our customers,” ani Royeca.

Samantala, laking pasasalamat naman ng mga Angkas bikers dahil sa ginawang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanila ng Angkas.