Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang probinsya ng Samar nitong Lunes ng tanghali, Nobyembre 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:57 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 16 kilometro ang layo sa timog-silangan ng  Calbiga, Samar, na may lalim na 77 kilometro.

Itinaas ang Intensity IV sa Palo, Leyte.

Eleksyon

Congressional bet sa Quezon, pinatawan ng disqualification case dahil sa vote buying

Naiulat naman Instrumental Intensity  V sa City of Catbalogan, Samar.

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.