Hindi napigilan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na maipakita ang kaniyang kalungkutan nang maanunsyo na ang Top 5 ng Miss Universe 2023 habang siya naman ay nasa backstage bilang correspondent kasama si Zuri Hall.

Bukod sa reaksiyon ng pagkalungkot ni Queen Cat na kitang-kita sa kaniyang facial expression, talagang sinabi niya na nalungkot siya dahil hindi nakapasok ang pambato ng Pilipinas at kaniyang kababayan.

Gayunman, the show must go on pa rin at mabilis na na-compose ni Cat ang sarili dahil kailangan niyang maging propesyunal at gampanan ang tungkulin bilang backstage correspondent.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Naka-relate kasi ang Pinoy fans na nadismaya rin sa naging resulta.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"CATRIONA GRAY IS EVERY FILIPINO RIGHT NOW AFTER MICHELLE DEE FAILED TO ENTER TOP 5 😭 #MissUniverse2023."

https://twitter.com/_buenosaries/status/1726072421080334503?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1726072421080334503%7Ctwgr%5E0325b058180df2a10475a01d5c59ac47a822a54f%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fkami.com.ph%2Fentertainment%2Fcelebrities%2F159379-video-ng-reaction-ni-catriona-gray-nang-hindi-makapasok-si-michelle-dee-sa-mu-top-5-viral%2F

"Congrats to Catriona Gray, you represented the Philippines beautifully!"

"Catriona Gray, she remains the standard of Miss Universe that is why her reactions said it all."

"She may not have made it to the top 5, but Michelle Dee made the Philippines proud! Keep shining, Michelle!"

"She knows MMD deserved a spot."

Samantala, matapos ang event ay nagpaabot naman ng pagbati si Cat kay Miss Nicaragua Sheynnis Palacios at pormal na winelcome na sa sisterhood ng Miss Universe. Nagpasalamat din siya kay Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel dahil sa "impact full" na pagrereyna.

MAKI-BALITA: Catriona, winelcome si Miss Nicaragua sa sisterhood ng Miss Universe