Nakakatuwa ang mga netizen sa social media dahil pilit talagang hinahanapan kung may dugong Pilipino ba si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios na siyang itinanghal na Miss Universe 2023.
Pampalubag-loob marahil ito ng mga netizen dahil sa pagkalaglag sa Top 5 ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee, na huminto ang journey sa posibilidad na masungkit ang Miss Universe crown, matapos ang evening gown competition.
Pero in fairness, bet din ng mga Pinoy si Miss Nicaragua, at biro nga sa social media ilang araw bago ang coronation night, kailangang itago sa CR ito dahil siya raw ang pinakamalaking tinik sa lalamunan ni Michelle.
At in fairness pa rin, kahit siguro itago sa CR si Miss Nicaragua, hahanap at hahanapin pa rin ang presensya niya dahil isa siya talaga sa crowd favorite, at sa preliminary competitions pa lang ay lutang na lutang na ang pangalan niya.
Anyway, biru-biruan sa social media na hinahanapan na raw ng background si Palacios na baka sakaling may dugong Pinoy ito, kagaya ni Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel, na ang tatay ay isang Pilipino.
MAKI-BALITA: ‘At least, may dugong Pinay pa rin!’ Pinoy netizens, masaya na rin sa pagkapanalo ni Miss USA
At dahil batay sa records ay walang trace ng pagiging Pinoy si Miss Nicaragua, aba'y bumawi naman ang mga Pinoy sa paghahanap ng kahawig sa kaniya.
Kaya naging laman ng memes si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina dahil may resemblance umano ang Pinay beauty queen-actress kay Palacios, bagay na kinaaliwan naman niya.
MAKI-BALITA: Maxine Medina nag-react na sa pagkukumpara kay Miss Universe 2023
MAKI-BALITA: Maxine Medina nakaladkad sa pagkapanalo ni Miss Nicaragua
Isa pa, kino-congratulate din ang Kapamilya actress na si Maris Racal dahil nagkahawig sila ng gown, na isinuot naman ng huli sa ABS-CBN Ball kamakailan.
MAKI-BALITA: Evening gown ni Miss Nicaragua dinogshow; kinumpara kay Maris Racal
MAKI-BALITA: Maris Racal kay Miss Nicaragua: ‘Mamiii, we made it’
Anyway, may dugong Pinoy man o wala si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ay congratulations pa rin dahil deserve na deserve niya ang crown, lalo't ito ang unang beses na nanalo sa Miss Universe pageant ang kanilang bansa, sa makalipas na higit 60 taon.