Mukhang wafakels ang showbiz insider-talent manager na si Ogie Diaz kahit kamakailan lang, binanatan siya ng fans ng KathNiel at ni Andrea Brillantes!

Nagpakawala kasi ng X post ang tinawag na "fake news peddler" ng mga nanggagalaiting tagasuporta ng Kapamilya stars matapos niyang itsika ang sitsit sa kaniya ng isang source, na umano'y nagkikita nang palihim sina Daniel at Andrea!

Nakakaloka ito dahil alam naman ng lahat na matagal nang magkarelasyon sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at isa sila sa mga hinahangaang magkarelasyon dahil ang nakikita nga sa kanila ay perfect couple, tapos ay makakarinig ng mga ganitong intriga?

Isa pa, hindi rin kasi inaasahang kay Andrea pa maikakabit ang pangalan ni Daniel, knowing na bagets pa si Blythe nang magkasama sila sa remake ng "Pangako Sa 'Yo."

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Si Andrea ang gumanap na "Lia," nakababatang kapatid ni "Angelo" na ginampanan naman ni Daniel.

Anyway, panibagong hirit ni Ogie sa X nitong Linggo, Nobyembre 19: "So nag-unfollow na din pala si bagets ke ate. Kalokah! Ano na ba nangyayari?"

https://twitter.com/trinidagger/status/1726025694717919483

Sey naman ng mga netizen, mukhang "vindicated" daw tuloy si Ogie dahil tila may katotohanan sa kaniyang naitsika mula naman sa kaniyang impormante.

"Naku mama ogs dame pa namang nambash sayo nung nakaraan."

"parang totoo nga! issue nga yung psy days nila na the little girl is coming pa nga daw sa house as little sister ang front. my god! sana hindi si anu ung cause bat nagfingerela keme ung bagets!! di pa ata uso deepfake noon."

"Eventually lalabas din naman ang totoo. Time is really the ultimate truth teller. Ako mismo feeling ko may mga ilang celebrity couple ang naghiwalay na. Let's just respect their privacy kung talagang ayaw nila spluk sa media/social media yun status ng relationships nila."

"Regardless kong totoo cnb mo ahout kathniel, pero hindi mo buhay yunkaya wala kang karapatan unahan sila. Toxic mong tao, Ogie!"

Kamakailan lamang, napag-alaman na rin ng mga netizen na nag-unfollow na rin si Andrea kay Kathryn, subalit naka-follow pa siya kay DJ.

MAKI-BALITA: Andrea inunfollow na rin si Kathryn, pero naka-follow kay Daniel